Naghain si Senador Bam Aquino ng resolusyon na nag-uutos ng imbestigasyon sa naganap na insidente ng putukan sa loob ng Senado nitong Miyerkules ng gabi.

Sa Senate Resolution No. 397, layunin ng imbestigasyon na alamin ang buong pangyayari, kabilang ang pagkakasangkot ng mga armadong indibidwal, at makabuo ng malinaw at opisyal na ulat hinggil dito.

Giit ni Aquino, hindi dapat mangyari ang anumang uri ng armadong komprontasyon sa loob ng Senado.

Nanawagan din siya na magsilbi itong batayan ng posibleng mga panukalang batas para mas mapalakas ang seguridad sa loob ng institusyon.