Wala nang buhay ng matagpuan ang bangkay ng lalaking nagpalutang lutang sa ilog sa bayan ng Abulug, Cagayan.
Kinilala ni PCAPT Jun Jun Torio deputy chief of police ng Abulug Police Station ang biktima na si Alyas Domingo at residente sa Barangay Sto.Tomas sa nasabing bayan.
Una rito ay nakatanggap umano ng tawag ang kapulisan mula sa concern citizen kaugnay sa nakitang bangkay na palutang lutang sa ilog sa nasabing barangay nitong umaga ng Marso 10, 2025 .
Lumalabas sa imbestigasyon na noong Marso 7, 2025 pa nawawala ang biktima matapos na hindi na umano ito nakabalik sa kanilang tahanan.
Agad aniyang nakipag ugnayan ang kapatid ng bitkima sa kapulisan upang i-report ang pangyayari at mahanap ang biktima.
Napag-alaman na madalas umano nawawalan ng malay si Domingo at may mga sakit ito, kaya’t pinaniniwalaang nagkaroon ng insidente habang siya ay nasa ilog.
Ayon kay torio, anak mismo ng natagpuang bangkay ang nagkumpirma ng pagkakakilanlan nito.
Wala namang nakitang foul play o anumang senyales ng karahasan sa pagkamatay ni Domingo, at batay sa imbestigasyon, posibleng nalunod lamang ito sa ilog.