
Patay ang dalawang katao kabilang ang isang barangay chairman at dalawa sugatan sa nangyaring
pananambang sa isang tulay sa Bangued, Abra.
Nangyari ang pamamaril sa Calaba Bridge sa Barangay Calaba noong gabi ng Miyerkoles.
Ayon sa pulisya, lulan ng dalawang sasakyan ang mga biktima na patungo sa La Paz nang mag-overtake ang isang pickup truck na sinakyan ng mga salarin at pinagbabaril ang mga biktima.
Nasawi sa naturang pananambang ang isang barangay chairman ng bayan ng Lagayan, at isa pang babae.
Sugatan naman ang isa pang babae na miyembro ng Sangguniang Bayan ng Lagayan, at isang lalaking driver.
-- ADVERTISEMENT --
Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin, habang inaalam ang motibo sa krimen.










