Umabot na sa plenaryo ng House of Representatives of the Philippines ang committee report kaugnay ng mga artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Noong Martes ng gabi, ini-refer ang nasabing ulat sa House Committee on Rules na siyang magtatakda ng iskedyul para sa plenary debate at botohan.

Ang mga artikulo ng impeachment na inaprubahan ng House Committee on Justice ay nag-aakusa sa Bise Presidente ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, korapsyon, at iba pang mabibigat na krimen.

Kabilang sa mga alegasyon ang umano’y maling paggamit o pag-abuso sa confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol, at umano’y sabwatan upang ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Kinakailangan ang boto ng hindi bababa sa isang-katlo o 106 sa kabuuang 318 miyembro ng Kamara upang maisulong ang impeachment ng isang opisyal.

-- ADVERTISEMENT --