Wala nang nagawa ang awtoridad matapos tanggaling ng ilang raliyista ang mga barikada sa Kanto ng Kalaw St at Roxas Blvd.

Wala na ring nagawa ang mga bantay mula sa hanay ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil maging sila ay itinulak din ng mga galit na mga protesters.

Maagang naglagay ng harang ng plastic barrier ang mga awtoridad sa lugar ngunit inalis at kinaladkad lamang ito ng mga ralyista.

Hinayaan na lamang ito ng mga tauhan ng PCG upang hindi magkaroon pa ng tensyon at hindi na magkainitan pa ang magkabilang hanay.

Sa ngayon ay nakapwesto na lamang ang mga tauhan ng PCG sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng southbound ng Roxas Boulevard habang ang mga tauhan ng Manila Police District ay nakabantay at nakabarikada naman sa bahagi ng northbound.

-- ADVERTISEMENT --