TUGUEGARAO CITY- Patay ang anim na taong gulang na lalaki matapos aksidenteng masagasaan ng convoy ng tumatakbong kongresista sa 2nd District ng Cagayan na si Baby Aline Vargas-Alfonso sa Solana nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni PCAPT Jose Gaudencio Pagulayan, deputy chief of police ng PNP Solana ang biktima na si Augusto Cauilan, kindergarterten at residente ng Brgy Sampaguita habang kaagad namang sumuko sa pulisya ang driver ng SUV na kinilalang si Elmer Kulasing, 54-anyos ng Abulug.

Sinabi ni Pagulayan na namatay sa pagamutan habang nilalapatan ng lunas ang biktima dahil sa tinamong pinsala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na patungo sana sa bayan ng Piat ang convoy ng kongresista nang maganap ang insidente sa national road ng Brgy Sampaguita.

Ayon kay Pagulayan, bigla umanong tumawid ang bata sa lansangan na posibleng dahil sa takot sa busina ng convoy ng sasakyan ng kongresista.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nagkasundo na ang magkabilang panig kung saan hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa driver.