TUGUEGARAO CITY-Tinawag ng bayan Muna na insulto sa mga ordinaryong mangingisda ang naging tugon ng Sen. Tito Sotto sa isyu ng Recto Bank.

Matatandaan, sinabi ni Sotto na mahirap matukoy ang exclusibong yamang dagat sa Exclusive Economic Zone ng pilipinas dahil posible rin itong galing sa China.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na tila inuudyukan ng mga opisyal ang mga dayuhan na i-harass ang mga mangingisdang pinoy sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Bagamat hindi na kailangan patulan ang pahayag ni Sotto ,dismayado lamang ito dahil tila binibigyan ng proteksyon ang interes ng China kaysa sa mga Pinoy.