Isang disabled na beterano na dating Lance Corporal sa British Army, ng bagong Guinness World Record para sa pinakamabigat na deadlift habang nakaupo.
Nagawang buhatin ni Martin Tye, na naka-wheelchair at paralisado, ang weights na may bigat na 1,113 pounds, 5 ounces sa Strongest Man event sa North Somerset, England.
Naparalisa ang binti ni Tye matapos banggain ng isang suicide bomber ang kanyang sinasakyan noong siya’y naka-destino sa Afghanistan noong 2009 na kung saan dumaan narin sa madaming operasyon.
Dahil sa pangyayari ay kinailangang lagyan ng bakal ang kanyang parehong binti pati na ang kanyang mga balikat.
Nagtamo rin siya ng pinsala sa kanyang mga baga at ngayon ay lagi na siyang inaatake ng arthritis.
Ayon ay Tye ,nais niyang ipakita na kaya pa rin ng isang taong may kapansanan katulad niya, na gawin ang ginagawa ng mga taong walang kapansanan.