
Nadagdagan pa ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan.
Ito’y matapos marekober ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard ang isa pang labi sa nagpapatuloy na underwater operations ngayong Linggo.
Dahil dito, umakyat na sa 65 ang kabuuang nasawi sa trahedya habang nananatili sa 293 ang survivors at 14 naman ang patuloy na nawawala.
Binigyang-diin ng PCG na ang bilang ay mula sa pinagsama-samang datos mula sa PNP-SOCO, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Coast Guard District Southwestern Mindanao, at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.










