
Tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Jose Melencio Nartatez Jr. ang resulta ng pinakabagong βBoses ng Bayanβ Index of Governance survey ng RPMD Foundation Inc., kung saan kabilang siya sa mga opisyal ng gobyerno na may mataas na marka.
Sa survey na isinagawa noong Abril 1 hanggang 8, 2026 sa 5,000 respondents, nakakuha si Nartatez ng 78.8% governance score, 78.5% trust rating, at 79.1% performance rating.
Ayon sa hepe ng PNP, ang resulta ay patunay ng suporta ng publiko sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan, at hindi lamang personal na pagkilala kundi bunga ng kolektibong trabaho ng buong organisasyon.
Nagpasalamat siya sa tiwala ng publiko at tiniyak ang pagpapatuloy ng mga reporma sa loob ng PNP, kabilang ang mas pinalakas na community policing at mas mahigpit na accountability measures upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan.










