TUGUEGARAO CITY- Kinoronahan Miss Tuguegarao 2022 si Jechris Rael Cusipag na pambato ng Brgy. Linao East.
Tinanghal naman na 1st runner up si Ceidy Joyce Balubal ng Libag Norte, 2nd runner up si Miss Katherine Arugay ng Annafunan East, 3rd runner up si Miss Romae Angelie Tumaneng ng Brgy. Balzain at 4th runner up si Miss Glenda Anne Balisi ng Brgy. Atulayan.
Nakuha din ni Balisi ang Best in Creative Attire, Best in Talent naman si Jade marielle Quilang, Best in Swimsuit si Tumaneng at Best in Evening Gown si Balubal kung saan nakatanggap sila ng tig-P5,000 at sash.
Sa major awards nakuha ni Tumaneng ang Miss Beautiful Smile kung saan nakatanggap siya ng P5,000 at sash, napanalunan naman ni Shefeeled Ann Valencia ng Linao Norte ang Miss Congeniality na nakatanggap ng P5,000 at sash, Miss Social Media award ang nakuha din ni Balisi na nakatanggap ng P3,000 na halagamng gift certificate.
Tinanghal naman na Darling of the Press si Balubal na nakatanggap ng P5,000 gift certicate at sash habang Miss Photogenic si Angel Marien Tan ng Barangay Caggay na nakatanggap ng 16×20 blow of picture at sash.
Ang Miss Tuguegarao ay nakatanggap ng P50,000 cash, P20,000 mula sa sponsor, trip to Hongkong ng 3 days at 2 nights na may P10,000 allowance at 300sqm beach lot sa Dodan, Aparri.
Naiuwi naman ng 1st runner up ang P35,000 cash at gift packs.
Ang 2nd runner up naman ay P25,000 cash at gift packs.
Ang 3rd runner up ay P17,000 cash at gift packs habang ang 4th runner up ay P8,000 cash at gift packs.
Nagsilbi namang hurado sa nasabing patimplak pagandahan sina Bong Prada Lim, John Vincent Qianan, Matthew Mendoza ng Palawan – PCL President, Atty Mabel Mamba, unang ginang ng Cagayan, Katrina Ponce enrile at Mylene Quinto Lising, isang Archeologist.
Isinagawa ang Miss Tuguegarap 2022 pageant sa Cagayan State University campus gymnasium.