TUGUEGARAO CITY- Pinayuhan ni Bishop Danilo Ulep ng Batanes ang parish priest ng simbahan sa Itbayat na huwag munang gamitin ang kanilang simbahan na nagtamo ng pinsala dahil sa magkasunod na pagyanig kaninang umaga.

Sinabi ni Ulep na kailangan muna na i-assess ang talaga damage ng simbahan na nasira ang ilang bahagi nito at ang kanilang kampanaryo.

Ayon sa kanya, sinabihan niya ang parish priest na maghanap muna ng lugar kung saan magsasagawa ng mga misa.

Kasabay nito, umapela si Ulep ng panalangin para sa mga naaapektuhan ng lindol.

Ayon sa kanya, bukas din ang simbahan sa mga gustong magbigay ng anumang tulong sa mga biktima ng pagyanig.

-- ADVERTISEMENT --