Iginiit ng House prosecution panel na hindi maaapektuhan ng mga biyahe sa ibang bansa ni Vice President Sara Duterte ang pagpapatuloy ng impeachment trial laban sa kanya.

Ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tuloy pa rin ang presentasyon ng mga artikulo ng impeachment kahit wala sa bansa ang bise presidente.

Nakatakdang bumiyahe si Duterte sa Qatar, United Kingdom, at Netherlands hanggang Hulyo 31.

Gayunman, sinabi ng prosekusyon na nananatili ang kanilang panawagan sa pangalawang pangulo na personal na sagutin ang mga paratang na kinahaharap niya.