Unanimously approved o inaprubahan ng 55 miyembro ng House Committee on Justice ang committee report nito sa pagtukoy ng probable cause para sa impeachment ni Vice Pres. Sara Duterte ngayong Lunes, May 4.

Kasabay nito, nakatakdang i-adopt ng komite ang Articles of Impeachment laban sa Bise.

Dadalhin ang mga ito sa House plenary para mapagbotohan kung dapat bang i-impeach sa Kamara si VP Sara, bago iakyat sa Senado na tatayong impeachment court.

Matatandaang na-impeach ang Bise sa Kamara sa unang pagkakataon noong Feb. 5, 2025.