
Iminungkahi ng ilang senator-judge na ilipat ang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte mula alas-10:00 ng umaga sa alas-10:30 upang mabigyan ng konsiderasyon ang epekto ng matinding trapiko.
Ayon kay Senator-judge Juan Miguel Zubiri, karamihan sa kanyang mga kasamahan ang humiling ng pagbabago sa iskedyul upang matapos ang pagdinig sa alas-3:30 ng hapon at makapagsimula ang sesyon ng Senado pagsapit ng alas-4:00.
Gayunman, sinabi ni Senate President at Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na mananatili muna ang pagdinig sa alas-10:00 ng umaga sa susunod na Lunes habang hinihintay ang magiging desisyon ng mga senador sa kanilang caucus.










