Tuguegarao City- Huli sa aktong pagsusugal ang tatlong kataong kinabibilangan ng 2 opisyal ng barangay sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Elizabeth Tabia, 49, Barangay

Secretary, Sharon Cenal, 40, Barangay Treasurer at Elenita Maribung 40, pawang mga residente ng Brgy. Cabaggan.

Sa panayam kay PLT Orlan Capili, hepe ng PNP Pamplona, ipinaabot ng isang concerned citizen sa kanilang tanggapan ang pagsusugal ng mga suspek.

Aniya, naaktuhan ang tatlo sa paglalaro ng “tong-its” ng nirespondehan ng pulisya ang naturang tawag.

-- ADVERTISEMENT --

Nakumpiska pa mula sa kanila ang ginamit na baraha at bet money na nagkakahalaga ng P105.00.

Paliwanag aniya ng mga nahuli ay katuwaan at libangan lamang ang ginawang paglalaro ng baraha ngunit iginiit ng hepe ang mahigpit na implimentasyon ng mga alituntunin habang nasa ilalim ng GCQ ang Cagayan.

Nahaharap naman ang tatlo sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illigal Gambling at RA 11332 particular ang social distancing.