Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang petsang Hunyo 1 hanggang 5 bilang “Brigada Eskuwela” week.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, na sa nasabing panahon doon maglilinis, mag-aayos ng mga silid aralan ilang araw bago ang pagsisimula ng pasukan.

Mahigpit din ang bilin ng kalihim na ipinagbabawal ang paghingi ng mga donasyon mula sa mga magulang,volunteers, partners at iba pa.

Taon-taon ay isinasagawa ang Brigada Eskuwela kung saan boluntaryong nagsasama-sama ang mga magulang, kapulisan,sundalo , at guro para maglinis at ayusin ang mga sirang bahagi ng mga silid aralan.