Pasok ang Cagayan sa top 20 sa listahan ng may pinakamaraming flood control projects sa bansa.
Number 18 ang Cagayan na may 167 flood control projects, batay sa sumbongsapangulo.ph website.
Samantala, ang Bulacan, Cebu, at Isabela ang top three provinces na may pinakamaraming bilang ng flood control projects.
Ang mga ito rin ang top three provinces sa total contract cost ng flood control deals, ayon pa sa sumbongsapangulo.ph website.
Narito ang top 20 provinces na may pinakamalaking bilang ng flood control projects:
Bulacan – 668
Cebu – 414
Isabela – 337
Pangasinan – 313
Pampanga – 293
Albay – 273
Leyte – 262
Tarlac – 258
Camarines Sur – 250
Ilocos Norte – 224
Negros Occidental -208
Cavite – 192
Batangas – 189
Misamis Oriental – 181
Davao Del Sur – 180
Iloilo – 168
Rizal – 167
Cagayan – 167
La Union – 166
Nueva Ecija – 163
Kaugnay nito, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways na isumite ang listahan ng flood control projects sa nakalipas na tatlong taon.