Naghain si Senator Bam Aquino ng resolusyon sa Senado para kilalanin ang makasaysayang dalawang gintong medalya ni Carlos Yulo sa 2026 Asian Games sa Japan.

Personal ding iniabot ni Aquino kay Yulo ang kopya ng Senate Resolution No. 689, na inihain noong Setyembre 30.

Nanguna si Yulo sa four-gold medal haul ng Pilipinas matapos magkampeon sa men’s floor exercise at vault events.

Bukod sa pagkilala sa kanyang tagumpay, nakipag-usap din si Aquino kay Yulo tungkol sa pagpapalakas ng suporta ng gobyerno sa mga atletang Pilipino.

Kabilang sa tinalakay ang mental health, physical therapy at pagbuo ng mas maayos na sistema ng suporta mula sa maagang pagsasanay hanggang sa kanilang professional at competitive careers.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Aquino, nais niyang ibatay sa konsultasyon sa mga atleta ang mga solusyong isusulong upang mas maayos na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.