
Nagtapos sa ika-anim na puwesto ang Philippine gymnastics team sa men’s team finals ng 2026 Asian Games sa Japan, sa pangunguna ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Umiskor ang Pilipinas ng 227.359 points para sa ikaanim na puwesto mula sa walong koponang naglaban sa finals.
Malaki ang ambag ni Yulo, partikular sa floor exercise at vault.
Pinakamataas niyang score ang 14.266 sa floor exercise, habang nagtala naman siya ng 14.56 sa vault.
Nasungkit ng defending champion na China ang gold matapos magtala ng 255.095 points, habang silver ang host Japan at bronze ang Chinese Taipei.
Bagama’t hindi nakakuha ng medalya sa team finals, muling makikipagkumpitensya si Yulo sa individual finals ng floor exercise at vault, dalawang event kung saan siya nagkampeon sa 2024 Paris Olympics.
Lalaban din si Yulo sa parallel bars finals, habang sasabak si Eldrew Yulo sa floor exercise at horizontal bar, at si Migs Besana naman sa vault finals.










