Nilinaw ni Team Philippines gold medalist Carlos Yulo ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ina na si Angelica Yulo sa isang kontrobersiya na kumalat kasunod ng kanyang makasaysayan na kampanya sa Paris Olympics 2024.

Sinagot ni Yulo ang issues sa Tiktok video, kung saan sinabi niya na hindi umano sinabi sa kanya ng kanyang ina ang lahat ng inilabas niyang pera sa kanyang bank accounts na hawak ni Angelica.

Sinabi ni Yulo na ang kanyang ina ang humahawak sa kanyang finances, kabilang ang lahat ng kanyang allowances at incentives mula sa kanyang mga panalo sa bawat laro hanggang sa siya na ang humawak dito.

Ayon kay Yulo, hindi umano niya alam na ginastos ng kanyang ina ang kanyang mga kita kung hindi niya hinanap ang mga ito.

Hindi naman itinanggi ni Yulo ang pahayag ng kanyang ina na ang ugat ng hindi nila pagkakaunawaan ay dahil sa kanyang kasintahan na si Chloe Anjeleigh San Jose.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Yulo na sa simula pa lamang ay ayaw na ng kanyang ina kay San Jose kahit hindi pa niya siya nakikita ng personal.

Ayon kay Yulo, lumala ang kanilang hidwaan nang magtakda siya ng boundaries dahil sa ipinaglaban niya ang kanyang kasintahan.

Nilinaw din ni Yulo na sariling pera ang ginagamit ng kanyang kasintahan na Filipino-Australian na naniniragan sa Melbourne sa kanyang lifestyle at biyahe.

Sa kabila ng hindi pagkakaunawaan ni Yulo sa kanyang ina, si San Jose ang naging main support system ni Carlo sa Paris Olympics.

Nakita siya sa mga laro ni Yulo sa France.

Ang tanging hiling at mensahe ni Yulo sa kanyang ina ay maghilom at mag-move on na dahil matagal na siyang nagpatawad.

Panalangin din niya laging ligtas at nasa mabuting kalagayan ang kanyang ina.

Nanawagan din siya sa kanyang ina na itigil na ang kanilang pagtatalo at sa halip ay ipagdiwang ang hard work at mga sakripisyo ng bawat Filipino athlete sa Olympics.