Naitala ang mataas na heat index sa Casiguran, Aurora noong April 22.

Ayon sa PAGASA, nakapagtala ang Casiguran, Aurora ng pinakamataas na heat index na umabot sa 41.0 degrees Celsius.

Naitala naman sa kaparehong araw ang 40.0 degrees Celsius na heat index sa Bacnotan, La Union.

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

-- ADVERTISEMENT --