Dumating si pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cebu nitong Miyerkules ng gabi para dumalo sa ika-48 ASEAN Summit na pinangungunahan ng Pilipinas bilang chair ng samahan. Lumapag ang Pangulo sa Mactan-Cebu International Airport bandang 9:14 p.m.

Ayon kay pangulong Marcos, tatalakayin sa summit ang seguridad sa pagkain at enerhiya, gayundin ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Southeast Asia sa gitna ng tensyon sa Middle East. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Sa Mayo 7, gaganapin ang mga pulong ng mga foreign minister at iba pang opisyal, habang sa Mayo 8 naman ang mismong summit na dadaluhan ng mga lider ng 11 bansang kasapi. Inaasahang maglalabas din ng joint statement ang ASEAN kaugnay ng sitwasyon sa Middle East.

Idineklara rin ang Mayo 6 hanggang 8 bilang special non-working days sa Lapu-Lapu at Cordova upang mapadali ang seguridad at galaw ng mga delegado.