Kinumpirma ni Senate President Alan Peter Cayetano na wala na sa Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasunod ng insidente ng putukan sa Mataas na Kapulungan nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Cayetano, natanggap niya ang ulat mula kay Sen. Jinggoy Estrada na posibleng nakalabas na si dela Rosa, na kalaunan ay kinumpirma ng Sergeant-at-Arms.

Giit ng Senate President, isang “pag-atake” sa Senado ang nangyari at hindi ito gawa-gawa lamang.

Sinabi rin niya na nagpadala ng mensahe ang asawa ni dela Rosa na umalis ang senador upang hindi madamay ang iba.

Ayon pa kay Cayetano, hindi maituturing na “pagtakas” ang nangyari dahil wala umanong naipakitang arrest warrant ang NBI.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag niya, batay sa paunang imbestigasyon, may mga putok na naganap sa loob ng Senado na kinasangkutan ng security personnel at armadong grupo, at patuloy pa itong inaalam ng mga awtoridad.