Diretsahang sinabi ni Senate President Win Gatchalian na kung inaantok ang sinuman na nais na manood ng impeachment trial ay mas mainam kung huwag na sila pumunta sa Senado.

Ayon kay Gatchalian, pupwedeng manatili na lang ang mga ito sa bahay para makatulog.

Dagdag pa niya, kung sakali ay posibleng sa telebisyon na lang panoorin ang naturang impeachment proceedings.

Giit niya, hindi naman maganda na pumunta sa impeachment court at tapos ay doon matutulog.

Samantala, aminado naman ang senador na malabot ang upuan sa may VIP gallery dahil de kutson ito.

-- ADVERTISEMENT --

Pero sa kabila nito, iginiit niya na maging sa normal na korte ay hindi naman din pupwedeng matulog sa loob dahil kailangang magkaroon ng pagpapakita ng respeto sa naturang korte.

Maalala, nitong nakaraan, dalawang beses nakita si Congressman Benny Abante na nakatulog, ‘o napapikot sa likod ng mga testigo, o sa may VIP gallery.