Pinalawig ng 45 araw ang umiiral na ceasefire sa pagitan ng Israel at Lebanon upang bigyang-daan ang karagdagang pag-usad ng usapang pangkapayapaan kaugnay ng tensyon sa katimugang Lebanon.

Ayon kay U.S. State Department spokesperson Tommy Pigott, layunin ng pagpapalawig na ipagpatuloy ang “makabuluhang pag-unlad” sa negosasyon ng magkabilang panig.

Nakatakda sanang magtapos ang ceasefire sa Mayo 17, ngunit nagkasundo ang magkabilang delegasyon na ipagpatuloy ito matapos ang serye ng pagpupulong na inilarawan bilang “produktibo.”

Ang kasunduan ay kaugnay ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah na suportado ng Iran, kasunod ng mga naunang sagupaan at palitan ng pag-atake sa rehiyon.