
Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Department of Foreign Affairs o DFA sa plano ng Israel na magtayo ng bagong settlement sa West Bank, na maaari umanong lumabag sa international law.
Ayon sa DFA, nakababahala ang pagsulong ng Israel sa E1 settlement plan at ang patuloy na pagtaas ng karahasan ng mga Israeli settler sa West Bank.
Hinimok ng ahensya ang lahat ng panig na iwasan ang unilateral actions na maaaring makasira sa mga pagsisikap para sa kapayapaan at sa posibilidad ng pagtatatag ng isang Palestinian state.
Iginiit din ng DFA ang suporta ng Pilipinas sa karapatan ng Palestinian people sa self-determination.
Sa ilalim ng E1 project, planong magtayo ng mahigit 1,200 bahay na magpapalawak sa Ma’ale Adumim settlement at mag-uugnay dito sa Jerusalem.










