Nakapagtala ng bagong World Record ang isang Chef mula sa Mombasa, Kenya matapos tuloy-tuloy na magluto ng 75 oras.
Tinalo ni Chef Maliha Mohammed ang world Record na hawak ni Rickey Lumpkin mula California, na tuluy-tuloy na nagluto ng 68 oras, 30 minuto at isang segundo noong Disyembre 2018
Una nang sinubukan ni Mohammed na makuha ang record noon pang 2018 ngunit nabigo siya dahil sa kakulangan ng pondo.
Upang makuha kasi ang world record ay kinailangan pa niyang tulungan ang 40 na mga cook, na may kanya-kanyang schedule.