Pangungunahan ng Amerikanong abugado ang pamamahagi ng kompensasyon sa mga biktima ng human rights violation noong panahon ng rehimeng Marcos sa rehiyon dos.
Ayon kay Atty Jimmy Baliga, regional director ng Commision on Human Rights na ipagkakaloob ni Atty Robert Swift sa June 18 – 19, 2019 ang ayudang pinansyal sa mga nabiktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Posibleng makatanggap ng tig-$1,500 o mahigit P77,000 na pinansyal ang bawat kwalipikadong biktima na kasama sa naipanalong class suit sa Amerika noong 1995.
Ang pondo na umabot sa mahigit $13-M ay nagmula sa pinagbentahan ng apat na paintings na idineklara ng korte na bahagi ng ill-gotten wealth ng dating Pangulong Ferdinand at dating first lady Imelda Marcos.