Pinayuhan ni Senador Kiko Pangilinan si Senador Robin Padilla na huwag maging “balat-sibuyas” kasunod ng kanilang mainit na palitan sa plenaryo ng Senado kaugnay ng pagtalakay sa warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Pangilinan, normal sa Senado ang mainit na debate na minsan ay nauuwi sa pagtaas ng boses, at wala umanong basehan ang reklamo sa Senate Ethics Committee laban sa kanya. Aniya, hihintayin na lamang niya ang anumang pormal na reklamo at handa siyang sumagot o maghain ng kontra-reklamo kung kinakailangan.

Iginiit din niya na hindi siya natatakot sa pambu-bully ng kapwa mambabatas at dapat ay mas mahalagang isyu ang pagtuunan ng Senado.

Samantala, sinabi ni Padilla na nais niyang maitala sa rekord ng Senado ang insidente at humingi ng paumanhin si Pangilinan, at nagbanta rin siyang magsasampa ng reklamo kung hindi ito matutupad.

Nauna rito, nagkaroon ng tensyon sa Senado sa gitna ng talakayan ng mga senador sa naturang isyu.

-- ADVERTISEMENT --