
Nakuha na kaninang umaga ang katawan ng isang 20 anyos na IT student ng St. Joseph College na nalunod sa bahagi ng ilog sa Barangay Dabbac Grande, Baggao, Cagayan kahapon.
Ayon kay Narcisco Corpuz, head ng Municipal Disaster Rists and Reduction Management Office, agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang kanilang hanay at iba pang responders nang iparating sa kanila ang insidente kahapon.
Subalit itinigil ang paghahanap sa biktima matapos na lumalim na ang gabi.
Nakita ang bangkay ng biktima nang ipinagpatuloy ang paghahanap kaninang umaga.
Sinabi ni Corpuz, batay sa pahayag ng mga kasama ng biktima, nagkayayaan sila na maligo sa ilog matapos ang kanilang klase.
Ayon sa mga ito, nasa impluwensiya umano sila ng nakakalasing na inumin ng mangyari ang insidente.
Idinagdag pa ng mga ito na hindi na pumunta sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima at makalipas ang ilang oras ay hindi na nila ito nakita pa.
Nangyari ang insidente ng 3:00 p.m., subalit ipinaalam lamang ito ng mga kasama ng biktima sa barangay ng 5:00 p.m.










