
Nagpaalala ang Commission on Filipinos Overseas sa mga Pilipino na maging maalam at magtakda ng realistiko na inaasahan kapag nagpaplanong mag-aral o manirahan sa Australia.
Ayon sa CFO, ang paglipat sa ibang bansa nang hindi handa ay maaaring maging “financial at emotional gauntlet” para sa mga underinformed migrants na naghahangad ng tinatawag na “Australian Dream.”
Sinabi ni Jeffy Suana, social worker ng Australian Filipino Community Services, na ang matrikula sa higher education sa Australia ay karaniwang naglalaro sa pagitan ng AUD$30,000 hanggang AUD$50,000 (halos P1.25 milyon hanggang P2.09 milyon), hindi kasama ang iba pang gastusin gaya ng renta, pagkain, at transportasyon.
Dagdag pa niya, ang mga academic program ay hindi awtomatikong daan patungo sa permanent residency o citizenship.










