
Muling iginiit ni Cagayan 3rd district Congressman Joseph “Jojo” Lasam Lara na walang ghost projects o substandard na infrastructure sa kanyang nasasakupan, sa kabila ng mga isyung ibinabato laban sa kanyang pamumuno.
Bahagi ito ng mensahe ni Lara sa ika-16 regular sesyon ng 10th City Council ng Tuguegarao noong Oktubre 21, 2025 kung saan siya ay ginawaran ng Plaque of Commendation bilang pagkilala sa kanyang pagkakahalal bilang Chairman ng Committee on Disaster Resilience sa House of Representatives
Sa katunayan aniya ay inimbitahan niya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na personal na tignan at inspeksiyonin ang mga proyekto kung mayroon mang ghost o substandard sa mga ito.
Tiniyak ni Lara na habang siya ay naninilbihan bilang Congressman ng 3rd District, mananatili siyang tapat sa kanyang tungkulin at patuloy na isusulong ang mga proyektong tunay na makikinabang ang publiko.