TUGUEGARAO CITY-Nasa 22 ang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Region 02.
Batay sa inilabas na datos na Department of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang 14 ay mula sa Isabela at tig-apat ang mula sa Cagayan at Nueva Vizcaya.
Nasa 23 naman ang bagong nakarekober sa virus kung saan 12 dito ay mya sa Cagayan, anim sa Nueva Vizcaya at lima sa Isabela.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,037 ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa buong rehiyon dos.
Pinakamaraming naitalang kaso ng virus ang Probinsya ng Isabela na may 834 sunod ang Nueva Vizcaya na may 583, Cagayan na may 517, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Umabot naman sa 256 ang aktibong kaso ng virus kung saan 59 percent sa mga ito ay asymptomatic, 40 percent ang mild condition at 1 percent ang severe condition.
Nasa 1,647 naman ang nakarekober sa rehiyon dos at 34 ang namatay.
Samantala, 25 kumpirmadong kaso ng covid-19 ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC)kung saan 14 dito ay mula sa Isabela at 11 mula sa Cagayan.
Sa Cagayan, pito ay galing sa Lungsod ng Tuguegarao, dalawa sa Enrile at tig-isa sa Solana at Lal-lo habang ang mga mula sa ISAbela ay walo sa ilagan, Lima sa Tumauini at isa sa Roxas.
Nasa 16 naman ang mga suspected cases sa naturang pagamutan kung saan 12 dito ay mula sa Cagayan, tatlo sa Isabela at isa sa Kalinga.