TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 67 bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) ang Rehiyon Dos.
Batay sa datos ng Department of Health, mula sa nasabing bilang, 48 dito ay mula sa Isabela, 18 sa Cagayan at tig-isa sa Isabela at Nueva Vizcaya.
Umabot naman sa 21 ang bagong nakarekober sa rehiyon kung saan 13 dito ay mula sa Isabela , pito sa Cagayan at isa sa Santiago City kung kaya’t nasa 1,856 ang bilang ng mga gumaling sa rehiyon.
Umakyat na sa 2,443 ang kumpirmadong kaso sa rehiyon kung saan pinakamaraming may naitala ang Isabela na 1,141 , sinundan ng Cagayan na 596 , Nueva Vizcaya na 589 , Santiago City na 111, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Nasa 551 naman ang akitibong kaso ng virus sa rehiyon, 69 percent dito ay asymptomatic at 31 percent ang mild condition habang umabot na sa 36 ang nasawi dahil sa covid-19.
Samantala, 27 kumpirmadong kaso naman ng virus ang kasalukuyan minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan 15 dito ay mula sa Isabela at 12 sa Cagayan.
Sa Cagayan, anim ang mula sa Tuguegarao City , apat sa Enrile at tig-isa sa Alcala at Gonzaga habang 12 naman ang galing sa Ilagan City, dalawa sa Tumauini at isa sa Roxas sa probinsya ng Isabela.
Bukod dito, 17 din na suspected cases ang binabantayan sa naturang pagamutan, 15 dito ay mula sa Cagayan at tig-isa sa Isabela at Tabuk City sa probinsya ng Kalinga.