Hinihikayat ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo ang Department of Agriculture (DA), sa pangunguna ni Sec. Francisco Tiu Laurel, na umpisahan ng hulihin ang mga mapagsamantalang mga rice importers at traders sa bansa dahil sa patuloy na mataas na presyo ng bigas sa merkado.
Ani Cong. Tulfo, P35 per kilo ang imported rice paglabas sa ating pier subalit wala namang nakikitang bigas na less than P50 ang kilo sa palengke
Dagdag pa ng ACT-CIS partylist Representative, bumaba ang presyo ng bigas sa abroad kung saan galing ang ating mga imported rice.
Bumaba na rin daw ang taripa sa imported na bigas kaya’t dapat lang daw bumaba na rin presyo ng bigas sa palengke.
Aniya ang problema, mukhang nakatunganga lang ang DA at nag-aantay ng biyaya mula sa langit.