Pinaplantsa sa Kamara de Representantes ang pag-amiyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) law upang madagdagan ang tulong para sa mga benepisyaryo.

Iniulat ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos kay Speaker Faustino Dy III na pinag-aaralan na ng House Committee on Appropriations ang budgetar¬y requirements para sa mga panukala.

Inaprubahan na ng House Committee on Poverty Alleviation, na pinamumunuan ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang substitute bill para amiyendahan ang 4Ps law (Republic Act 11310).

Sa ilalim ng substitute bill itataas ang cash grant para sa anak ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps.

Ang buwanang assistance na P300 ay itataas sa P500 para sa day care at elementary pupil, mula P500 ay gagawing P700 para sa junior high school student, at mula P700 ay gagawing P900 para sa senior high school students.

-- ADVERTISEMENT --

Ang ayuda ay ibibigay sa loob ng 10 buwan kada taon.