Namatay ang isang 14-anyos na babaeng estudyante matapos siyang aksidenteng madikit sa live wire sa loob ng kanilang paaralan sa Samal Island, Davao del Norte.

Sugatan din ang kanyang kaibigan na nakuryente rin matapos niyang subukang sagipin ang biktima.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si “Jana,” estudyante ng Mambago-B National High School.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang dalagita noong hapon ng Martes nang maganap ang trahediya.

Nangisay umano ang dalagita nang madikit sa kuryente kaya sinubukan siyang iligtas ng kaibigan, pero maging siya man ay nakuryente rin.

-- ADVERTISEMENT --

Nakagawa naman ng paraan ang ibang tumulong sa kanila para hindi nakuryente kaya naisugod ang dalawa sa ospital.

Sa kasawiang palad, pumanaw kalaunan si Jana, habang patuloy na nagpapagaling ang kaniyang kaibigan.