Photo of PNP APAYAO

Patay ang dalawang katao habang tatlo ang sugatan sa pagbaliktad ng isang mini dumptruck sa Bayan ng Conner, Apayao.

Ayon kay PLT Julius Bagsawan, Deputy Chief of Police ng PNP Conner, galing sa bayan ng Luna, Apayao ang mini dumptruck na minaneho ni Kenimar Asusena sakay ang apat na iba pa upang maghatid sana ng mga modules sa isang eskwelahan sa bayan ng Conner ng bigla itong bumaliktad habang tinatahak ang pakurba at pataas na bahagi ng lansangan.

Dahil sa insidente ay nasawi sina Jomill Wan-isan Asusena at Onesto Ruma Manicap habang nagpapagaling naman sa isang ospital ang driver na si Kenimar at ang isa pa nilang kasamahan.

Sinabi ni Bagsawan na batay sa imbestigasyon ay nasira ang preno ng mini dumptruck habang ito ay paakyat sa nasabing lansangan at nawalan ng kontrol ang driver sa manibela .

Naipit ang dalawa na nagbunsod ng kanilang agarang pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --