Tuguegarao City- Patuloy na pinaghahanap ng PNP Solana ang 2 sa pitong nakatakas na nahuli sa aktong pagsusugal sa brgy. Bangag, Solana, Cagayan.

Kinilala ang dalawang tumakas na sina Rody Ubiña at Johny Binayug habang ang mga kasamahan nilang nahuli ay sina Mario Binayug, Jake Mabborang, Nicolas Tamayo, Jayson Alfonso, Erick Villanueva, mga pawang nasa hustong gulang at residente sa naturang lugar.

Sa panayam kay PCAPT Jhun Jhun Balisi, hepe ng PNP Solana, matagal ng minamanmanan ng pulisya ang mga suspek ng ipagbigay alam ito ng isang concerned citizen sa kanilang tanggapan.

Aniya, nahati sa dalawang grupo ang mga suspek na naglalaro ng “tong-its” at “pusoy dos” ng magsagawa ng operasyon ang mga otoridad.

Nakuha sa kanila ang 2 sets ng baraha at betmoney na nagkakahalaga ng P740.00

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gabling Law at RA 11332 partikular ang paglabag sa umiiral na social distancing.