Sugatan ang dalawang barangay tanod matapos na magbarilan sa barangay haan sa Poblacion Pilar, Abra noong gabi ng December 22.
Ayon sa PNP, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktima na sina Romel Reyes at Denver Cayetano hanggang nagkaroon ng pagtatalo dahil umano sa isang babae na pareho nilang nililigawan.
Lumala ang away ng dalawa nang bumunot umano ng baril si Cayetano at binaril si Reyes na gumanti rin ng putok.
Isang ligaw na bala ang tumama sa isang kasamahan ng dalawa na nakaupo sa malapit.
Kapwa nagtamo ng tama sa tiyan sina Cayetano at Reyes na ngayon ay nagpapagaling sa ospital habang agad naman na nakalabas g pagamutan ang tinamaan ng ligaw na bala.
Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng .45 ngunit walang nakitang baril.