TUGUEGARAO CITY-Pinaalalahanan ng mga otoridad ang mga magulang at mga guardian na bantayan at disiplinahin ang kanilang mga anak.
Sinabi ito ni PMAJ Marlou Del Casillo, hepe ng PNP Ballesteros matapos ang nangyaring pagpasok ng dalawang bata na edad siyam at 10 sa isang bahay sa Poblacion.
Ayon kay Castillo, hindi naman nagnakaw ang mga bata ng mga mamahaling gamit sa bahay subalit, kinain nila ang mga maaaring makain at nagluto pa ng noodles.
Sinabi niya na binuksan din ng mga bata ang mga cabinet sa nasabing bahay at kinuha ang ilang damit pambata at personal na gamit tulad ng lotion at mga pabango at ikinalat ang ilang gamit.
Ayon kay Del Castillo, na walang tao sa nasabing bahay at nalaman nila ang mga nasabing bata ang pumasok dito sa sumbong din ng mga kapwa nila mga bata.
Sinabi ni Del Castillo na pinakawalan din ang mga nasabing bata matapos na silang pagsabihan kasama ang kanilang mga magulang at guardian ng DSWD.