Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese nationals kaugnay sa kidnapping sa kapwa Chinese citizen kapalit ng ransom.

Sinabi ni Christopher Hernandez, chief ng International Operations Division ng NBI, nagsagawa ang mga agent ng entrapment operation sa isang hotel sa Quezon City nitong nakalipas na linggo, kung saan matagumpay na nailigtas ang biktima.

Ayon kay Hernandez, nagsasagawa pa sila ng follow-up operations.

Sinabi niya na ito ay matapos na sabihin ng biktima na apat ang sangkot sa pagdukot sa kanya.

Ayon kay Hernandez, mayroon na silang lead sa kinaroroonan ng dalawa pang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng kinakasama ng biktima sa kanyang pagkawala.

Ayon kay Hernandez, nakausap ng nagreklamo ang biktima sa pamamagitan ng viber, at kinumpirma ang pagdukot sakanya.