Bugbog-sarado ang isang dalaga matapos sakalin at itulak sa pintuan ng kanyang kasintahan habang nagkakaroon sila ng mainitang pagtatalo sa San Jose del Monte (SJDM).

Ang biktimang ay kinilalang si alyas “Mamvy,” 27-anyos habang ang suspek na kanyang live-in partner ay si alyas “RB,” 45-anyos na kapwa residente ng Brgy. Graceville.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang 8:30 ng umaga noong Marso 29 sa Brgy. Graceville.

Sa paunang imbestigasyon, habang tumataas ang tensyon sa kanilang pagtatalo, sinakal ng lalaki ang biktima.

Hindi pa nakuntento ang suspek at itinulak ang biktima at tumama sa pintuan, na nagdulot ng mga sugat.

-- ADVERTISEMENT --

Nang humupa ang gulo, agad na nagsumbong ang biktima sa mga opisyal ng barangay, na siyang rumesponde at humuli sa suspek.

Samantala, isang 25-anyos na dalaga na itinago sa pangalang “Daisy” mula sa Caloocan ang tinorture at ikinulong ng nobyo nitong si alyas “Mario,” 28-anyos, sa Brgy. Muzon, Caloocan, noong 8:00 ng umaga sa parehong araw.

Pinagsusuntok, sinakal, tinutukan ng kutsilyo, at binantaan daw umano siya ng suspek.

Ang mga suspek sa parehong insidente ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa mga kaukulang kaso.