Aabot sa higit P360k na fully grown marijuana ang kinumpiska ng mga otoridad mula sa dalawang indibidwal na nagsasagawa ng pagha-harvest sa Brgy. Babuyan Claro, Calayan, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Elizardo Rosales residente sa nasabing lugar at si Rodrigo Linsangan Jr., na residente naman sa Solano Nueva Vizcaya.

Sa panayam kay PMAJ Mario Maraggun, hepe ng PNP Calayan, agad na nagsagawa ng operasyon ang kanilang hanay ng mapag-alaman ang iligal na aktibidad ng dalawa kung saan nakumpiska sa kanila ang nasa 15 piraso ng mga binunot na fully grown marijuana at may timbang na higit tatlong kilo.

Sinabi ni Maraggun na maaaring inimpluwensyahan lamang ni Linsangan si Rosales kaya sila nakapagtanim ng Marijuana sa nasabing lugar at maaari rin na gagamitin nila ito o kaya naman ay ibebenta.

Sa ngayon ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehenssive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

-- ADVERTISEMENT --