
Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang most wanted person sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations kahapon sa Cagayan.
Ang isa sa mga naaresto ay provincial number 1 most wanted person na nahaharap sa kasong statutory rape.
Nadakip siya sa Barangay Agaman Norte, Baggao, Cagayan sa pangunguna ng PNP Baggao katuwang ang iba pang unit ng PNP Cagayan.
Naaresto naman ang isa pang most wanted person sa hiwalay na operasyon ng PNP Solana at iba pang awtoridad.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dalawang akusado.
-- ADVERTISEMENT --
Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Mardito Angoluan, director ng PNP Cagayan na ang matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang most wanted person ay patunay sa matibay na pagtutulungan ng mga awtoridad.










