Posibleng maghatid ng ulan ang dalawang namumuong sama ng panahon sa paligid ng Pilipinas sa mismong araw ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.
Isa na dito ang low-pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility na namataan sa silangan ng Mindanao habang ang isa pa ay nasa labas ng ating teritoryo.
Posible umano itong maging ganap na bagyo at inaasahang magdadala ng ulan hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo, kung saan matatapat sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Habang ang pangalawang LPA naman na nabuo sa West Philippine Sea ay hindi na maituturing na banta sa bansa dahil namataan na ito sa Vietnam, gayunpaman may isa pang binabantayang cluster of clouds sa Pacific Ocean.
Nananatili pa ito sa labas ng PAR at patuloy na oobserbahan kung magiging LPA sa mga darating na araw.