Tuguegarao City- Nadagdagan pa ng dalawa ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lambak ng Cagayan.

Batay sa huling datos ng Department of Health Region 2 ay pumalo na sa 77 ang kabuuang kaso ng naturang sakit sa rehiyon.

Kabilang sa mga naidagdag sa mga tinamaan ng virus ay ang 66 anyos na babaeng galing ng Antipolo City na residente ng Brgy. Masical Amulung at ang isa pang 30 anyos na babaeng OFW mula Dubai at residente naman ng Brgy. Dalin Baggao Cagayan.

Sa ngayon ay nasa mga isolation facilities na ang dalawang pasyente habang kasalukuyan ng isinasagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha nila.

Patuloy pa ring ipinaaalala sa publiko ang ibayong pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin upang labanan ang pagkalat ng virus na dulot ng COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --