TUGUEGARAO CITY- Dadalhin sa Aviation Unit sa Basco, Batanes ang dalawang pinaniniwalaang parte ng
eroplano na magkasunod na narecover sa magkahiwalay na baybayin ng Batanes.
Sinabi ni PLCOL Rico Cayabyab, deputy director ng PNP Batanes, ang unang nakita sa bayan ng Ivana ay
may habang 6 meters at lapad na 2 meters habang ang sumunod naman ay natagpuan sa bayan ng Sabtang na
-- ADVERTISEMENT --
may haba na 4 meters at lapad na 2 meters at kapwa may Chinese characters.
Ayon kay Cayabyab, hindi pa nadadala ang mga nasabing bagay sa aviation unit sa Basco dahil sa
malalakas na alon sa dagat.
Sinabi ng opisyal na nagsasagawa sila ng pananaliksik kung may bumagsak na eroplano na posibleng
bahagi ang mga natagpuan sa Batanes subalit wala pa silang nababalitaan.