Huli ang dalawang lalaki mula sa bayan ng Pamplona, Cagayan matapos na magpositibo ang operasyon ng mga pulis sa kanilang mga bahay ng mga armas at mga bala.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ng isang alyas Elly, 62-anyos, sa Barangay Biduang.

Nakuha sa bahay ang mga sumusunod:

a. One (1) unit Colt .45-caliber with Serial Number;
b. One (1) piece magazine for .45-caliber;
c. Two (2) pieces magazine for M14;
d. Fifty-four (54) pieces live ammunition for .45-caliber;
e. Thirteen (13) pieces live ammunition for M14;
f. Two (2) pieces red live ammunition for 12-gauge Shotgun;
g. Five (5) pieces live ammunition for Carbine;
h. Six (6) pieces live ammunition for .60-caliber;
i. One (1) piece holster for .45-caliber.

Samantala, nakuha naman sa bahay ng isang alyas Marc, 31-anyos at tricycle driver ng nasabi ring barangay ang mga sumunod na armas at mga bala:
a. One (1) unit 12-gauge Shotgun pistol without serial and trade mark;
b. One (1) piece magazine assembly;
c. Six(6) pieces red live ammunition for 12-gauge Shotgun;
d. Three(3) pieces blue live ammunition for 12-gauge Shotgun;and
e. Two(2) pieces live ammunition for 9mm.

-- ADVERTISEMENT --